Friday, November 1, 2024

MINSAN PAG NAIISIP KO


 Pag iniisip ko na ang mga taong hinahangaan ko, mga taong mahalaga sa akin ay pagdating ng panahon ay hindi ko na makikita, hindi ko na makakausap, hindi ko na maririnig ang mga boses nila. Hindi ko maiwasang umiyak hinihiling ko na lang na sana hindi na dumating ang panahon na yun. pero imposible naman yun di ba? alam ko na hindi lang ako ang humihiling ng ganon pero ito ang reyalidad ng Buhay eh. ANG REYALIDAD NG BUHAY NA HINDI NATIN HAWAK ANG ORAS AT BUHAY NATIN!!!!!!!!!

Sunday, June 11, 2023

06/12 PILIPINAS MALAYA KA NA BA TALAGA?

 

ARAW NG KALAYAAN
 

Ang palaging tinatanong ng aking isipan tuwing sumasapit ang araw ng kalayaang ng pilipinas

malaya na ba talaga tayo? o alipin pa rin?alipin ng sariling bayan, alipin ng kapwa pilipino. malaya pa ba tayong ibahagi ang nararamdaman natin bilang isang pilipino? malaya pa ba tayong maging pilipino?

MALAYA NA BA TALAGA TAYO?

PILIPINAS MALAYA KA NA BA TALAGA?

Wednesday, May 24, 2023

PUSONG NANGUNGULILA THOUGHTS

 


HINDI MAN LANG NAKAPAG PAALAM 
HINDI MAN LANG NAKASAMA SA HULING SANDALI.

KUNG ALAM KO LANG NA YUN NA ANG HULING SANDALI NA MARINIG ANG IYONG BOSES SANA SINULIT KO NA ANG PANAHON NA YUN.

ANO ANG SAYSAY NG AKING TAGUMPAY KONG WALA NA ANG DAHILAN NG TAGUMPAY NA ITO?

ANG AKING PUSO AY SABIK NAMARINIG ULIT ANG IYONG BOSES AT MAKITA ANG IYONG MUKA.

ANG PALAGING DINADASAL AY MAKASAMA KA MAHAL KO.

MAHAL KO SA AKING SUSUNOD NA HABANG BUHAY IKAW AT IKAW PARIN ANG PIPILIIN KO.

MAHAL BUMALIK KA NA DAHIL NANGUNGULILA NA ANG AKING PUSO!.

~PUSONG NANGUNGULILA 

Sunday, February 26, 2023

HIGHSCHOOL

 HIGHSCHOOL YAN ANG PINAKAMASAYA NA YUGTO NG BUHAY ESTUDYANTE NATIN ANG SARAP BALIKAN ANG MGA ALAALA.

December 2014 Retreat
SANTO TOMAS CATHOLIC SCHOOL IV ST FRANCIS BATCH 2015. 
DECEMBER 2014 Retreat
 
 NANDIYAN ANG UNANG ARAW MO SA BAGONG ESKWELAHAN TAHIMIK KA NANINIBAGO SA MGA BAGONG MUKA NA IYONG NAKIKITA BAGONG YUGTO NG BUHAY MO. AT SA UNANG ARAW NG ESKWELA NAGKAROON KA NG MGA UNANG KAIBIGAN NA HABANG BUHAY MONG MAGIGING KAIBIGAN. SYEMPRE SA HIGHSCHOOL DIYAN TAYO UNANG NATUTONG MAGMAHAL AT UNANG MASAWI DAHIL SA PAG-IBIG HAHA! AT SAPAGTUNGTUNG MO NG HIGHER YR HINDI MAWAWALA ANG JS PROM (NGAYON SOCIAL NIGHT) AT ANG UNANG SAYAW MO. ANG SAYA MO DAHIL SI CRUSH ANG UNANG NAGSAYAW SAYO.SYEMPRER HINDI RIN MAWAWALA YUNG MGA PANAHON NA SAKIT TAYO NG ULO NG ATING MGA GURO DAHIL SA SOBRANG KAKULITAN HALOS BUWAN BUWAN LAMAN TAYO NG OPISINA HAHA!! ANG SARAP BALIKAN ANG MGA ALAALA BILANG HIGHSCHOOL STUDENT. MINSAN NAPAPATANONG AKO SAAN NA KAYA ANG BARKADA, ANG MGA KAIBIGAN, KAKLASE AT HINIHILING NA SANA BIGYAN NG PAGKAKATAON NA MAGSAMASAMA.

SANTO TOMAS CATHOLIC SCHOOL, IV ST- FRANCIS BATCH 2015.
2015 GRADUATION


Tuesday, July 19, 2022

07/20/22

Sa Bawat ngiti may Kalungkutan na tinatago.
Ang Aking Tanging Maskara ay Ngiti.


Sa Daming gustong Sabihin Ng Aking damdamin Hindi ko kayang Sabihin.
Dinadaan na Lang sa iyak!.

Sa pagiyak na Walang katiyakan kung magiging okay Ang Lahat.



E.M.P 

Sunday, October 17, 2021

FORGIVE YOURSELF

May mga Pagkakataon na may 
mga Hindi inaasahang pangyayari sa Buhay natin na sinisisi
 natin Ang Sarili natin
 Kahit Hindi Naman
 natin ito Ginusto.
PILIT TINATAKASAN, 
PILIT INIIWASAN, 
PATULOY NA NASASAKTAN.


HANGGA'T SINISISI MO ANG
IYONG SARILI SA MGA BAGAY 
NA HINDI MO NAMAN GINUSTO
PATULOY KANG MASASAKTAN.


LEARN(ED) TO FORGIVE YOURSELF

PAKAWALAN ANG IYONG SARILI SA SAKIT

PATAWARIN MO ANG IYONG SARILI.

Friday, September 10, 2021

MAKINIG KAYO SA AMIN

Gusto lang Namin mapakinggan Ang aming mga hinaing pero bakit Ganon kaaway Ang Turing niyo sa Amin?


Bakit Ganon sa Bawat Kahilingan Ng Pagtugon Bulyaw Ang Sagot niyo?


Hanggang Kailan Kayo magbibingibingihan?
Kailan niyo kami mapapakinggan?
Kailan nila maririnig Ang Mga Hinaing Natin?


Hindi Kami kaaway Ang gusto lang main ay makinig kayo sa amin. Mapakinggan Ang Bawat Hinaing Namin.

MAKINIG KAYO SA AMIN!
KAMI AY PAKINGGAN!

MINSAN PAG NAIISIP KO

  Pag iniisip ko na ang mga taong hinahangaan ko, mga taong mahalaga sa akin ay pagdating ng panahon ay hindi ko na makikita, hindi ko na ma...